
2020-21 KABUUANG PANANAW SA PROGRAMANG PRIMETIME SA ONLINE
Bilang kasagutan sa kasalukuyang utos ng Governor of California, ng County of San Diego at San Diego Unified School District (SDUSD), ang pagpasok sa mga paaralan ng SDUSD para sa paaralang taong 2020-2021 ay pansamantalang natigil dahil sa COVID-19. Bilang resulta ng kautusang ito, ang SDUSD PrimeTime Program, na pinondohan ng After School Education Safety grant, ay magkakaroon ng hangganan sa virtual/ distance learning support hanggang sa wala nang panganib na pagbukas ng mga paaralan.
Ang PrimeTime ay magkakaloob ng pag-aaral na virtual/online sa programang pagkatapos ng klase kabilang ang mga aralin, pagpapabuti at physical education sa mga kasaling mag-aaral. Ang programang bago ang klase ng PrimeTime ay kasalukuyang hindi iniaalok. Kapag maaari nang pumasok sa paaralan, gagawin ng PrimeTime ang programa sa mismong paaralan.
Ang pagbigay-kaalaman ng Primetime ay ipadadala sa buwan ng Agosto sa mga magulang/tagapag-alaga sa koryo sa pag-aplay. Ang mga mag-aaral na natanggap sa virtual/online ay bibigyan ng karagdagang kaalaman sa pagrehistro sa kanilang pagkatanggap. Kapag may pagbabago, makikita ito sa websayt ng PrimeTime.
Programang Pagkatapos ng Klase ng PrimeTime 2020-21:
Ang SDUSD PrimeTime ay mag-aalok ng programang pagkatapos ng klase sa virtual/online learning sa mga sumasaling mag-aaral na gumagamit ng Think, Feel, Read curriculum. Ang isang Social and Emotional Literacy Curriculum na nabanghay upang pagbutihin ang mga aralin pagkatapos ng klase at ugnayan sa online, pinagsanib, o harapan. Nagsisimula ito sa temang Pakikisama at Pandamdamin, gaya ng pagkamaalalahanin, o pagkaawa. Isang listahan ng mga aklat ay pinagsama para lamang sa mensaheng nasa isang kuwento. Kakaibang pagpansin ang nakatutok sa pagpili ng mga aklat na naglalaman ng mga tauhan at lugar na iniugnay at nakasalalay sa magkakaibang sambayanan. Isang gabay ng karunungan ay nilikha para sa bawa't aklat at/o yugto at binanghay upang tulungan ang kawani sa pamamagitan ng isa-isang proseso sa paglikha ng matibay na pakikipagkapuwa at maramdaming usapan. Masinop na pagpuna ang nakapangako sa pagpili ng "mga mabubuting salitang" mula sa nilalaman kasama ng: mga nauunawaang katanungan, mga gawaing mapag-isip, at malikhaing kasagutan na tutungo sa mga karugtong ng STEAM.
Mga Antas ng Baitang ng Mag-aaral:
TK-8
Bilang ng Mag-aaral sa Kawani:
12 to 1
Talakdaan ng Programang Pagkatapos ng Klase:
Apat (4) na araw sa isang linggo mula Lunes-Huwebes sa tatlo (3) oras bawa't araw. Ang mga magulang/tagapag-alaga ay maaaring pumili na ang kanilang mga mag-aaral ay sumali ng hindi bababa sa isa (1) oras hanggang sa tatlo (3) oras sa isang araw.
Oras ng Programang Pagkatapos ng Klase:
Ang simula ng programa ay magkakaiba sa bawa't paaralan, batay sa oras ng pagtuturo sa paaralan.
Mga Karapatdapat na Mag-aaral:
Ang lahat ng kasalukuyang mag-aaral ng SDUSD na kindergarten (TK) hanggang ikawalong baitang ay karapatdapat na mag-aplay. Ang mga mag-aaral ay maaari lamang sumali sa PrimeTime sa paaralang kanilang sinasalihan sa programa sa online sa karaniwang pag-aaral.
Palugit ng Pag-aplay:
Marso 2 – Abril 10, 2020 ang unang pagbigay ng aplikasyon. Ipagpapatuloy mula Abril 11, 2020 hanggang sa katapusan ng paaralang taon.
Pagpalista ng Mag-aaral at Pagbigay Kaalaman sa Magulang/Tagapag-alaga:
Sa Biyernes, Agosto 14, 2020, ang mga magulang/tagapag-alagang nakatapos at nakapagbigay sa Abril 10, 2020 ay makakatanggap ng sulat sa koryo ng kanilang pagkatanggap o ilalagay sa listahan ng maghihintay para sa programang Pagkatapos ng Klase. Ang lahat ng mag-aaral na nag-aplay sa programang Bago ng Klase ay ilalagay sa listahan ng maghihintay.
Linggo ng Agosto 31, 2020:
Ang Kawani ng PrimeTime Staff ay tatawagan ang mga pamilya upang magbigay-kaalaman at magbibigay ng pananaw sa programa, sa mga oras ng programa, at talakdaan sa araw-araw.
Linggo ng Setiyembre 8, 2020:
Ang kawani ng PrimeTime ay magsisimula ng gagawing programa sa online.
Talakdaan ng Programa sa Araw-araw
|
|
GAWAIN
|
HALIMBAWANG GAWAIN
|
HUMIGIT/ KUMULANG ORAS
|
7-15 min.
|
Pagbukas na Gagawin
Brain and Body Breaks
|
Rock ‘N roll Egg
Nais mo ba?
|
2-5 min.
|
Pagsamasama
|
Talakdaang Mag-isip, Maramdaman, Magbasa
Mga Tuntunin sa Paggalang
|
10-20 min.
|
Gawain sa Block 1
|
Kabuuang Buod
|
20-25 min.
|
Gawain sa Block 2
|
Basahin ang Chapter 19 ng
Marcus Vega Doesn’t Speak Spanish
|
15 min.
|
Pahinga sa Utak at Katawan
Pagpalakas
|
Tama o Mali
Pop Up
|
20-25 min.
|
Gawain sa Block 3
|
Basahin ang Chapter 20 ng
Marcus Vega Doesn’t Speak Spanish
|
10-15 min.
|
Gawain sa Block 4
|
Gawaing sa Pagsagot
Commercial!
|
15 min.
|
Pahinga ng Utak at Katawan
Pagpalakas
|
Salamin
Matematikang Kamay
|
20 min.
|
Gawain sa Block 5
|
Mga Kilos sa Pagsayaw
|
10-15 min.
|
Pagdiriwang sa Pagtatapos
|
Pagsalamin:
Ano ang nagustuhan mo sa Mag-isip, Maramdaman, Magbasa?
|
15-60 min.
|
Mga Gawaing Pagpabuti
|
STEAM/Physical Education
|
Extended Learning Opportunities Department
Instructional Media Center (IMC)
2441 Cardinal Lane, Building A
San Diego, CA 92123
(858) 503-1870 - Telepono
[email protected]